"Ayokong tawagin ang sarili ko na manunulat. Pag sinabi mo kasi sa mga tao na "writer" ka, kadalasan makakatikim ka ng mga tingin at panlalaki ng mata na parang sinabi mong kumakain ka ng bala. Akala nila kakaiba ka. Weird. Masyadong matalino o kaya sobrang yaman. Tapos susundan pa yon ng tanong kung saan ka sumusulat, kapag sinagot mo ng pangalan ng dyaryong di kilala o magazine na kakaiba ang pamagat, e ikakakunot ng noo nila at ikakatapos ng maikling kamustahan."- Stainless Longganisa, Bob Ong; pg. 103
Totoo yung sabi ni Bob Ong. Naranasan ko na rin yun. Hehehe. Di ko alam kung bakit ganun yung reaction nila sa mga writers, para namang nakakagawa kami (naki-kami talaga. hahahaha) ng gamot na pwedeng panlunas sa AIDS. Pero, oh well, ganun na nga yata talaga yun. Matatalino nga ba talaga ang mga writers? O malakas lang talaga ang imagination?
Eto pa...
"Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong magsulat. Hindi lahat nabibigyan ng boses sa papel. Ang iba nga nakukuntento na lang sa ilalim ng tulay o upuan ng bus. Kaya di dapat sayangin ang pribilehiyo na mailapat sa isip sa isang babasahin. Kung may pagkakataon ka na gawin ito -- pusanggala, ipayakap mo ang buong papel sa sariling salita! Wag na wag mo 'tong patatapakan sa iba. Angkinin mo ang bawat sulok ng espasyo na ipinagkatiwala sa'yo. Dahil hindi ka nadadagdagan sa paggamit sa mga sulating hindi mo gawa, nananakawan ka lang ng napakahalagang punasan ng tinta."- Stainless Longganisa, Bob Ong; pg. 38-39
Pinangarap kong maging writer noon, nung 1st year yata ako. Nung andun na, biglang bumagsak yung interes ko sa pagsusulat. Leche! Ang hirap. Ewan ko kung bakit. Parang pag nasa harapan ko na yung papel at ballpen, parang lahat ng mga ideya ko nagbaback-out, inuurungan. Kaya, nag-quit ako. Sabi ko, hindi para sa akin ang pagsusulat. Pag dating ng 4th year, tsk! anak ng?!! bigla akong binigyan ng column. Instant Filipino editor ako. Paano na 'to?! Pakiramdam ko na-traydor ako. Ang ganda ng usapan namin nung EIC na magiging contributor lang ako, tapos ganun?! Instant Filipino Editor!!?! Di na ako maka-hindi, andun na eh. No way out na ako nun. Kaya ayun, tinapalan ko ng kung anu-ano yung espasyong binigay sa akin. Sa katagalan, umayos naman. Bigla ko ng nakasundo ang ballpen at papel. Pero, hanggang dun na lang yun. (okay, nagsinungaling ako dun.) Actually, di ako dun nagstop maging writer sa isang school organ. Pagpasok ko ng college, akala ko natakbuhan ko na ang pagsusulat. Pero, hindi. Kaya, ayun, naging residente ako ng school organ namin ng 1 taon @ di ko mabilang na buwan bago ako tuluyang sumuko. Wala eh, ewan ko, bagsak na naman ang interes ko sa pagsusulat. Kaya eto, dito na lang muna ako sa makulay @ masayang mundo ng blog (*copy-paste*). Kuntento na ako dito. :)
TRIVIA: Sa class prophecy namin, ako raw ay magiging isang WRITER. (Ayaw talaga kong tantanan!)
12.17.2007
On Writing blah's
Posted by the goddess at 5:40:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
naniniwala akong kaya mo maging writer joanne! try and try!!! pero malay ko nga ba kung pangarap mo maging writer. hehehe.. Paganda na ng paganda ang mga post mo! astuuug
wow! thank you kuya ^_^. Ayoko ng pangarapin maging writer, heheh, pero gusto ko pa rin magsulat. heheh.
hahaha. :) go cheetah, go!
to eumi: i'm currently running as fast as the speed of light. hahahaha
Post a Comment