In relation sa movie na You Got Me (di pa talaga ako maka-get over. Hehehe.), I'll post something about it...
Sa totoo lang, medyo naka-relate ako sa character ni Toni Gonzaga, si Mo (nga yata,. ewan. hehehe). Yung character niya kasi eh yung tipong di naniniwala sa love. Para sa kanya, hindi nagtatagal ang love, panandalian lang. At dahil dun, natakot siyang ma-in love kasi takot siya na iwan ng taong mahal niya. Ako, ganun din. Hindi ako takot ma-in love pero takot ako sa kasal. Kasi, ngayon, yung totoong essence ng kasal nawawala na. Tipong pakakasal na lang sila kasi:(1) Nabuntis yung babae; (2) Gusto na nila magsama; (3) Arranged marriage (meron pa rin yan, lalo na sa mga province). Tsaka ngayon, masyado ng nauso ang hiwalayan sa mga mag-asawa. Nakakatakot. Nakakatakot mag-fail. Ayokong makita ang sarili ko na nakikipag-annul sa magiging asawa ko.
Kaya siguro ako naiyak sa movie kasi medyo nakaka-relate ako. Mahirap talaga kung takot ka. @ hindi madaling matanggal yung takot, mahirap. Minsan, kahit nasa isang relasyon ka na, andun @ andun pa rin yung takot sa kung ano yung mga pwedeng mangyari. Nakakatakot masaktan. Nakakatakot iwan. Nakakatakot mag-fail....
1.07.2008
Posted by the goddess at 11:54:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
pessimistic din ako pagdating sa love. hahaha.
hahaha. sabi na eh, kaya tayo magkaibigan,..no wonder. lolx! hahaha
Post a Comment