CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

3.03.2008

MADNESS

Dear ME,

I can't believe you! Isa kang malaking TANGA. Oo, tanga ka, alam mo yun? Biruin mo, pinili mo na maging ganito ang sitwasyon mo, tapos ngayon, iiyak-iyak ka dyan! Asa ka pa, di ka na babalikan, wala ng maaayos. Mauuntog na siya sa pader at ma-rerealize niya na nagaksaya siya ng oras at panahon sa isang LOSER. Kasi naman, wala naman talagang maganda sa'yo eh. Kahit anong pilit mo na maging magaling, di ka magiging ganun, kasi nga LOSER ka! Kaya hindi siya proud sa'yo eh, kasi there's nothing to be proud of. Lahat ng effort mo, walang pupuntahan. Wala na siyang paki sa'yo kahit mamatay ka pa ngayon. Alam mo, tama na. Wag ka ng magcomplain na ayaw mo ng failure, kasi sa totoo lang, FAILURE ka na at lagi kang magiging failure. Wala ng magbabago. Tanggapin mo na lang na hindi kayo bagay at hindi para sa'yo ang PAG-IBIG. Trying hard ka lang. Lahat ng taong akala mo mahal ka eh iiwan ka rin isang araw. Kaya payo ko sa'yo, simulan mo ng mabuhay mag-isa kasi ganun ang mangyayari sa'yo. Lahat sila makakausad at ikaw ay mapagiiwanan. Tsk. Nakakaawa kang nilalang. Tsk. You're hopeless. Tsk.

Nagmamahal,
AKO

5 comments:

eumity said...

hindi kaya! ok? i know how it is when you're hopeless. you start thinking that maybe you're the one who's doing something wrong... that you're the one who's a failure. you're not. ok? things will clear up someday.. and you'll get through this. you're both a lover AND a fighter. ;)

kuya igno said...

Okay ka lang baby? Easy lang... May panahon ang mga bagay-bagay.

Si eumi talaga ano? Bad, bad eumi.. hahaha... Wala kang mali. Talagang ganon si Alain. Robin Padilla kasi ang idol. Alam mo na - Bolero, Charming, Magalang... Pero Bad Boy talaga. ;)

karmi said...

*hugs*

wag ka namang ganyan, di ka hopeless ok? marami lang talagang pangyayari na di mo maiiwasan, pero di ikaw ang may kasalanan.. di lang ikaw..

magiging ok rin lahat.. ^_^ cheer up!

kingdaddyrich said...

tinamaan ako! boom!

Anonymous said...

hoy leche na igno! nka2.ilan ka na ha! sabing di ko idol un! am baduy! mo! =p ang idol ko sarili ko! hahaha

ey mya n ako magcommnt ha, dami kc pak.alamero d2. hhehe -rogers-