Pagkatapos kong magisip ng ilang minuto, eh sigurado na yata ako na ako'y sasali sa contest na ito. Sasali ako,kasi trip ko lang, medyo hiya pa ako, pero sige na lang hehehe.
=====================================================================================
No title needed :)
Nakakita ka na ba ng weirdong magboyfriend at girlfriend? Kung hindi pa, dapat mo siguro kaming makilala. Oo, sa totoo lang, weirdo kami. Sa tamabayan namin, kami lang ang magkasintahan doon na laging nagbabangayan sabay tawa. Ako lang yata ang girlfriend dun na sobra kung asarin ng boyfriend. Kung titignan, parang di naman kami magkasintahan eh, para kaming magkaibigan, pwede na siguro ang bestfriends. Si Alain, sa totoo lang, ni minsan hindi ko kinakitain ng pagiging romantic. Malambing siya,oo, pero hindi romantic.
Magdadalawang taon na ako dito sa lugar ko, at first time kong magkaroon ng ispesyal someone nung Valentine's Day. Mga dalawang linggo siguro bago mag-Valentine's day eh panay ang asar sa akin ni Alain na Goya Chocolate lang daw ang mabibigay niya kasi hindi raw siya makapagipon. Kesho mahirap daw, blah, blah. Sa akin, okay lang naman(kunwari, heheh biro lang :D). Ang kinaiinis ko lang eh, nahihirapan na nga siyang mag-ipon, sige pa rin siya gastos. Laro ng laro ng Dota. Ugh! Lagi na lang namin pinaguusapan ung Goya Chocolate hanggang sa mag-Valentine's. Lambing ko nga sa kanya, "pwede yung Samba na lang? Masarap yun *sabay ngiti*". Hanggang sumapit na ang Gugma day. Bago kami nagkita eh kumuha muna siya ng SP (student permit). Papunta na ako sa school ng bigla siyang nagtext na papunta na rin siya. Medyo kinabahan ako, kasi parehas lang ang dadaanan namin. Naisip ko, magkasabay kaya kami? Nakasakay na ako sa tricycle, ako pa lang yung pasahero. Maya-maya, paglingon ko sa likod, andun siya. Peksman! Kinilig ako nun. Hahaha. Parang balik high school ako nun. Tapos, pumunta na kami sa SM dahil kailangan kong mamili para sa spaghetti at bibilhin na raw niya yung Goya Chocolate ko @ yung ipinabibili sa kanya ng nanay niya. Mga 30 minutes siguro akong naghintay sa text niya kung saan ba kami magkikita kapag tapos na kaming mamili. Pumunta na ako dun, andun siya nakaupo kasama yung babae niyang kaibigan tsaka yun kasama nung babae. Yung kaibigan niya may hawak na flowers. Pagdating ko dun, iniabot niya yung Samba tska yung flowers. Sabi niya, para raw sa mommy niya yung flowers, pinahawak lang sa akin. Palabas na kami ng mall ng sinabi niya na para raw sa akin yung flowers. Nung nag-thank you ako, inasar ako na feeling daw ako kasi hindi raw sa akin yun, kundi sa mommy niya.Nakasakay na kami sa taxi panay pa rin yung asar niya sa akin. Nag-aasaran kami ng biglang may inilabas siya mula sa plastic ng groceries... Isang hexagonal shape na Toblerone. Sabi niya, para raw talaga sa akin yung flowers, Toblerone, @ Samba. Sobrang tuwa ko nun, pero hindi lang yung tuwa na parang sa mga bata pag nakakatanggap ng tsokolate. Natuwa ako kasi effort to the max talaga siya para pasayahin ako nung araw na yun :).
Trivia: First time kong makatanggap ng fresh flowers @ first time niyang magbigay ng flowers (dahil ayaw niyang ginagawa yun). ^-^
2.20.2008
Love Struck Writing Contest
Posted by the goddess at 5:47:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
weeeee.. goodluck sa tin.. hihi.. sana manalo tayo.. apir..
goodluck po!!!
awwww.. =) how sweet.. ^_^
buti ka pa nakatanggap ka na ng flowers, eh ako di pa.. haaaayy..
gudlak nga pala sa contest.. ^_^ tc!
Good luck roguey!!! hahaha.... Sana manalo ka dahil ang cute ng story mo. Asan si eumi? pasalihin na 'yon!!
to ate karmi: haha. thank you,thank you! :D gudluck din! :)
to kuya igno: Yaho0o!!! yer back! hahaha. grabeh! gudluck din! :) Naku,. honga noh, dapat na rin pasalihin. hahaha :)
Nakakatuwa naman ito! Ang sweet naman. salamat at nabanggit ang toblerone sa post na ito. Daan na lang po kayo! :) www.toblerone.com.ph
Post a Comment